Lunes, Setyembre 29, 2014

''MODALS''

Layunin: Gumawa ng batas na ginagamitan ng ''MODALS.''
Ano ang ''MODALS?''
             => Ito ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit itong pantulong sa pandiwang nasa anyong panatas. Ang mga modal ay mga  pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o aspekto.

Guro: Mrs. Russell Forbes

       Note: Ma'am isinulat ko lamang ang mga halimbawa upang malaman niyo po ang modals na aking ginamit.

 1.Bilang Malapandiwa
Hal.    Gusto niyang makahaon sa hukay.
           Ibig  ng puno at baka na kainin ng tigre ang lalaki.

2.Bilang Panuring
Hal.    Gusto niyang maglakbay uli.
           Ibig ng kuneho na makita uli ang hukay.


  Uri :
1. Nagsasaad ng pag nanasa, paghahangad o pagkagusto.
Hal.     Gusto kong mamitas ng bayabas.
            Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap.

2.Sapilitang pagpapatupad
Hal.    Dapat sundin ang utos ng Diyos.

3. Hinihingin mangyari.
Hal.    Kailangan mong magpursige sa iyong pag-aaral.

4. Nagsasaad ng posibilidad
Hal.   Maari ka bang makausap mamaya.
         Puwede kang umasenso sa buhay.


          ''Gusto'' nating mapaganda at maging maayos ang ating kalisan/kapaligiran, ''dahil'' ibig rin nating maging maayos ang magiging pamumuhay ng ating magiging apo o anak. Paano natin ito makakamit?
        Una kailangan muna nating mag bayanihan o magtulungan upang makamit natin ang mga ito.


            ''Dapat'' linisin ang kapaligiran, pag sabihan ang mga namumutol ng puno na itigil iyon dahil nag dudulot ito ng pagka ubos ng tirahan/tahanan ng mga hayop at ang puno ay pinag kukuhanan rin natin ng ating makakain at ang kahoy ng puno ay marami ring puwedeng pag-gagamitan tulad ng sa paggawa ng bahay at marami pang iba, kung wala ang puno wala tayong maaring pag kunan ng ating makakain kapag dumating ang araw na wala na tayong makain. 
          ''Dapat'' magtanim tayo ng puno, pangalagaan natin ang kalikasan, huwag rin tayong mag tatapon ng basura kung saan saang lugar dahil kung itoy naipon sa isang lugar ''puwede'' itong pag bahayan ng mga lamok, ''maaari'' pa tayong makakuha ng kung ano anong sakit tulad ng dengue at kung ano-ano pa.


               ''Kailangan'' natin itong gawin lahat upang maging maayos ang ating pamumuhay at para hindi tayo magka sakit.








 Maker: John Carlo Amanonce